MULING binaha ang ilang parte ng Metro Manila kahapon ng umaga dahil sa malakas na buhos ng ulan.
Ayon sa ulat ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), kabilang sa mga panibagong binaha ang EDSA Aurora at EDSA Connecticut.
Una rito, umabot hanggang baywang ang baha sa Pasong Tamo tunnel sa lungsod ng Makati kamakalawa ng gabi.
Habang may mga baha rin sa Maynila at Pasay City.
Kahapon ng madaling araw, naglabas muli ang Pagasa ng yellow alert o inisyal na babala sa pagbaha dahil sa halos magdamagang pag-ulan sa Metro Manila, Zambales, Cavite at Bataan.
Maging ang mga karatig lalawigan ay posibleng makaranas ng mga pag-ulan dahil sa paghatak ng bagyong Dindo sa hanging habagat mula sa West Philippine Sea.