Monday , December 23 2024

Kaso vs De Lima et al ikinakasa na — Panelo

INIHAHANDA na ang kaso laban kay Senador Leila de Lima at iba pang mga personalidad na kasama sa ibinulgar na matrix ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Atty. Salvador Panelo, Chief Legal Counsel ni Duterte, abala sila ngayon sa paghahanda ng mga ebidensiya na magdidiin kay De Lima at iba pang may kinalaman sa mga drug lord sa bansa.

Ayon kay Panelo, sa kabila na may mali sa grammar ng matrix na nauna nang pinuna ng senadora, hindi magbabago ang katotohanan na may kinalaman siya sa drug lords batay sa naipong intelligence reports.

Pinayuhan din niya ang lady senator na tanggapin na lamang ang mga kritisismo at kahihiyan na normal lamang para sa isang public official lalo kung may isyung kinasasangkutan.

Huwag aniyang sisihin ng senadora ang Pangulo sa mga nangyayari sa kanya ngayon kundi ang kanyang sarili mismo.

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *