TUMANGGI si dating MMDA chairman Francis Tolentino na magbigay ng reaksiyon sa pagkakabanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte na siya ang nagkuwento sa sinasabing bagong boyfriend ni Sen. Leila de Lima.
Sinabi ni Tolentino kahapon, huwag munang magkomento lalo pa’t kaarawan ni Sen. De Lima.
Ayon kay Tolentino, mas mabuting pag-usapan ang isyu ng emergency power at flood mitigation bago ang showbiz.
Una rito, ibinuking ng pangulo na si Tolentino ang nagbalita sa kanya na isang ‘Warren’ na motorcycle driver escort ang bagong BF ng senadora makaraan ang relasyon sa kanyang driver-bodyguard na si Ronnie Palisoc Dayan.