DAVAO CITY – Umabot nang apat na oras ang pakikipag-usap ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ambasador ng bansang China.
Kabilang sa napag-usapan nina Duterte at Ambassador Ma Keqing ang maraming mga bagay kabilang ang problema sa West Philippine Sea.
Una nang inihayag ng presidente na tutulong ang China sa suliranin ng bansa sa illegal na droga.
Sa pamamagitan ng building materials para sa itatayong mga rehabilitation center at sa railway system ng bansa.
Binigyang-linaw ni Duterte, hindi pa siya handa na talakayin ang issue sa West Philippine Sea maliban sa gagawing bilateral talks.
Sa nasabing panahon, paninindigan ng bansa ang panalo sa international court.
Kung aatras aniya ang China sa bilateral talks, iisa lamang ang ibig sabihin nito.
At isa ito sa pinaghahandaan ng bansa.