LUMAKAS na muli ang bagyong Dindo habang papalabas sa Philippine area of responsibility (PAR).
Ayon sa ulat ng Pagasa, huling namataan ang bagyo sa layong 1,230 km silangan hilagang silangan ng Itbayat, Batanes.
Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 160 kph at may pagbugsong 195 kph.
Kumikilos ito nang pasilangan hilagang silangan sa bilis na 15 kph.
Kagabi, inaasahang nasa labas na ito ng karagatang sakop ng ating bansa.
Gayonman, asahan pa rin ang isolated thunderstorm sa Metro Manila at mga karatig na lugar hanggang bukas.