IDINIIN ni Pangulong Rodrigo Duterte, mahalagang tapusin ang maliliit na giyera sa bansa para mapaghandaan ang mas malaking hamon sa hinaharap.
Sinabi ni Pangulong Duterte, hindi niya masasabi kung kailan mangyayari ang giyera ngunit ang mahalaga ay manatiling preparado kahit sa limitadong kakayahan at resources.
Ayon kay Duterte, manalo o matalo ay hindi mahalaga basta kailangan lumaban para ipagtanggol ang ating soberenya.
Sa ngayon, kabilang sa paghahanda ang karagdagang sundalo sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at police commandos.
“Now, are we towards the future? Philippines is going to experience another spasm. When? I do not know. Sigurado? Sigurado ‘yan. So, be prepared. Within our limited talent and capacity, we cannot really produce the missiles and things. But ‘yung ating nalaman lang how to uhh fight the war, win or lose, wala tayong pakialam basta we fight. It will come maybe sooner than later. But we have to prepare,” pahayag ni Pangulong Duterte.