BUTUAN CITY – Makaraan palayain kamakalawa ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) si PO1 Richard Yu ng Carmen, Surigao del Sur, pinalaya kahapon ang apat pulis na binihag din ng rebeldeng grupo sa Brgy. Cagtinae, Malimono, Surigao del Norte.
Ayon sa nagpakilalang si Ka Oto, sinasabing tagapagsalita ng Guerilla Front Comiittee-16 ng NPA, pinalaya nila sina PO2 Caleb Sinaca, PO3 Jayroll Bagayas, NUP Rodrigo Angub na pawang nakadestino sa Malimono Municipal Police Station, at SPO3 Santiago Lamanilao ng Surigao City Police Office.
Layon nitong maipakita ang kanilang sinseridad sa layuning makamit ang kapayapaan.
Suporta ito sa peace talks ng pamahalaan at ng National Democratic Front (NDF) na ginanap sa Oslo, Norway.
Sinasabing pinangunahan ang release ceremony ng 3rd party facilitator na nagsimula kahapon sa Purok 14, Brgy. Mat-i, Surigao City.
Samantala, nakatakdag isailalim sa medical stress debriefing ang pinalayang mga pulis.