TACLOBAN CITY – Aabot sa 20 kaso ang isinampa kahapon sa korte laban sa pamilyang Espinosa kabilang ang alkalde ng Albuera, Leyte na si Mayor Rolando Espinosa at ang anak niyang itinuturong top drug lord sa Eastern Visayas na si Kerwin Espinosa.
Kabilang sa isinampang mga kaso ay kaugnay sa ilegal na droga makaraan makuha ang hinihinalang shabu sa bahay ni Mayor Espinosa, gayondin ang kasong may kinalaman sa illegal possession of firearms.
Bukod dito, nahaharap sa 4 counts ng murder ang pamilya Espinosa dahil sa sinasabing pagpatay sa retiradong pulis at konsehal ng Albuera noong May elections at marami pang iba.
Pinag-aaralan kung ano ang puwedeng maisampang kaso sa napatay na anim na tauhan ng mga Espinosa sa enkwentro noong Agosto 3.
Resolusyon ng korte ang hinihintay para sa nasabing kaso.
Una rito, sinabi ni Mayor Rolando Espinosa, hindi niya tatakbuhan ang kasong posibleng kaharapin at mananatili sa tanggapan ng Albuera police station.
Nilinaw ni Chief Insp. Jovie Espenido, hepe ng Albuera PNP, hindi nakakulong ang nasabing alkalde sa kanilang tanggapan kundi nasa ilalim ng police protection costudy.