INIHAYAG ng Malacañang, aabot sa 10 testigo laban kay Sen. Leila de Lima ang haharap kaugnay sa illegal drugs operations sa New Bilibid Prison (NBP).
Sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, bukod sa anim na testigo na magdidiin kay De Lima, may bago pang apat na witness ang Department of Justice (DoJ).
Aniya, nakausap niya si Justice Secretary Vitaliano Aguirre at nasa proseso nang pagkuha ng mga sinumpaang salaysay.
Gayonman, ipinauubaya ni Panelo kay Aguirre kung kailan ihahain ang kaso sa korte laban kay De Lima at sa iba pang persolinadad na dawit sa ilegal na droga.
Base sa ipinalabas na drug matrix ni Pangulong Duterte, bukod kina De Lima at Dayan, dawit din sa operasyon si dating Justice Undersecretary Francisco Baraan, ret. police general Franklin Bucayu, dating Pangasinan governor at ngayo’y 5th District Rep. Amado Espino at Pangasinan Provincial Administrator Raffy Baraan.