HINDI napigilan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rebelasyon sa ‘lihim’ ni Sen. Leila de Lima at ng bago niyang rider-lover.’
Sa kanyang press conference, kahapon ng madaling araw ay isiniwalat ni Duterte na ipinakita sa kanya ni dating Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino na ‘inarbor’ sa kanya ni De Lima ang motorcycle escort na si Warren Cristobal dahil ‘magaling magtrabaho.’
“Ang bago, first name is Warren. Cristobal? Oo, Cristobal. Tapos, ‘wag sanang magalit si Francis Tolentino. Sabihin ni Tolentino, hindi totoo ‘yan. Francis, akong bahala sa… Huwag kang matakot diyan mga putang inang ‘yan. Sulat pa siya. “Dear Francis, i-assign mo sa akin kasi mahusay siya magtrabaho…” Putang ina ka. [inaudible] ‘Di ba ang sabi ni… mahusay siya magtrabaho. Helicopter man… nag-helicopter ang buang…,” ani Duterte.
Anang Pangulo, nakilala umano ni De Lima si Cristobal noong justice secretary pa ang senadora dahil binigyan ng rider-escort ni Tolentino mula sa MMDA.
Ngunit hindi aniya gaya nang naunang driver-lover ni De Lima na si Ronnie Dayan, hindi sangkot sa illegal drugs si Cristobal.
Sabi ng Pangulo, hindi na konektado sa MMDA si Cristobal at bahagi na ng security ni De Lima.
Marami na aniyang pampasaherong jeep si Cristobal na taga-Caloocan City.
“Maraming sasakyan na jeep ‘yan ‘no. [Speaks Bisaya] Alam ko. Alam ko. Marami nga siyang jeep na sakyan. He has a fleet of passengers,” dagdag ng Pangulo.
Idineklara ng Pangulo na tapos na ang political career ni De Lima dahil sa kinasangkutang eskandalo ng senadora sa personal na buhay at illegal drug trade.
“De Lima you are finished. Tapos ka na…sunod na election,” aniya.
“Well, I will, you know. De Lima is undergoing a nightmare now. Tama na ‘yun para sa akin. Alam mo, I still have the tapes and you guys were there.”
May hawak ang Pangulo na tapes na mag-uugnay kay de Lima sa Davao Death Squad (DDS) at kaya umano niya itong patunayan. (RN)