Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Wally Bayola, utang na loob ang tagumpay sa fans at sa Eat Bulaga

00 Alam mo na NonieITINUTURING ni Wally Bayola na utang na loob niya sa mga tumatangkilik sa kanya ang anumang tinatamasa ngayong tagumpay. Bukod sa fans at manonood, malaking bahagi raw ang Eat Bulaga kung nasaan man siya ngayon.

“Kapag nasa Juan For all, All For One kami, kahit umuulan at binibigyan nila kami ng paying, hindi namin ginagamit. Kung mainit, okay lang na maarawan kami at mainitan. Kasi, kung iyong mga tao roon na kasama namin, iyong mga nanonood naiinitan at nauulanan sila, dapat kami rin. Sama-sama kami, kumbaga.

“Utang ko sa mga tumatangkilik sa amin ang lahat ng ito, at siyempre sa Eat Bulaga. Siyempre yung utang na loob ko sa Eat Bulaga, talagang sobra-sobra. Kung hindi nila ako kinuha dito, kung hindi dahil sa Eat Bulaga, wala lahat ng ito,” saad ni Wally nang makapanayam namin sa The PEP List Year 3 Awards Night na ginanap sa Grand Ballroom ng Crowne Plaza last week.

Nanalo bilang Male Comedy Star of the Year ng gabing iyon si Wally.

Naibalita rin niya na ginagawa na nila ngayon ag pelikulang Enteng Kabisote 10 na pinagbibidahan ni Vic Sotto. Dito’y magkakasamang muli ang JoWaPao (Jose Manalo, Wally, at Paolo Ballesteros).

Nabanggit nga rito ni Wally na either sa last week ng August or this coming September ay babalik na sa EB si Paolo.

“Manggagaling talaga ang kompirmasyon nang pagbabalik ni Paolo sa EB sa management. Wala pa namang sinasabi, pero malapit na malapit na. Baka last week of August or September, mga ganoon.”

Sinabi rin niya kung gaano sila kalapit na tatlo. “Talagang close na kaming tatlo, si Paolo kasama ko iyan sa sasakyan e. Parang isang pamilya na talaga kami, ‘pag nagkakaisa kami, kung ano-ano ang katatawanang nagagawa namin.

“May lungkot pero di puwedeng mabali, so kailangan tuloy ang trabaho, tuloy pa rin ang show.

“Kaya nga sabi ko, parang ang naging motto namin, divided we fall, united we stand,” nakangiting saad pa ni Wally.

Ano ang ibinigay niyang payo kay Paolo? “Ang talagang advice lang namin sa isa’t isa, pray lang iyan. Kung ano ang advice niya sa akin dati ay iyon din ang advice ko sa kanya ngayon at nakatulong nang malaki talaga iyon.

“Dapat be positive lagi and be happy lang, good vibes lang palagi dapat.”

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …