DAHIL sa tagumpay ng 1st ToFarm Film Festival, nagbabalik ang festival para muling manawagan sa mga nagnanais maging filmmaker.
Muli, bagamat baguhan pa sila sa film world, patuloy na bumubuo ang ToFarm ng pangalan para sa kanila sa pagbubukas ng bagong oportunidad, hindi lamang sa mga nagnanais maging filmmaker kundi sa mga pinag-uusapang subject at story na ukol sa agricultural sector.
Noong Agosto 25, inihayag ni Dr. Milagros How, Executive Vice President ng Universal Harvester Inc., ang pagbubukas ng kanilang ikalawang ToFarm Filmfest.
Young, fresh and now—ito ang mga katagang naglalarawan sa bagong tema ng kanilang festival. Kung ang unang taon ay naka-focus ukol sa kuwento ng mga magsasaka, ngayon, ukol naman sa kinabukasan ng mga ito. Ito ay ang temang, Planting Seeds of Change.
At tulad noong nakaraang taon, anim na film scripts ang pipiliin ng Festival’s screening committee. Bawat isa’y bibigyan ng P1-5-M grant na magagamit nila. Ang tatanghaling Best Film ay mag-uuwi ng P500,000, 2nd Best Film ay P400,00, ang 3rd Best Film ay P300,000, at ang Special Jury Award ay mag-uuwi ng P100,000. Bukod sa cash prizes mayroon din silang ToFarm Film Fest Trophy.
Kaya kung may maganda kayong mga kuwento, isumite na at hanggang November 18, 2016 lamang ang submission.
Ang ToFarm Film Festival ay pinangunahan ng Universal Harvester Inc. para simulang payabungin ang agrikultura sa pamamagitan ng pagpapahayag nito sa pamamagitan ng pagbuo ng pelikula. Brain child ito ni Dr. How, kasama sina Direk Maryo J Delos Reyes.
SHOWBIZ KONEK – Maricirs Valdez Nicasio