Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sipol ni Mariah Carey, tinalbugan ni Morissette

00 SHOWBIZ ms mAFTER ng presscon ng Lucky 7 Koi Productions Inc., para kina Michael Pangilinan at Morissette para sa Powerhouse: A Concert of World-Class Pinoy Performers @The Theater, nagparinig ng ilang awitin ang dalawa.

Lalong gumagaling si Michael. Sanay na sanay na talaga siyang mag-performer sa harap ng maraming audience at tila minamani-mani na lang niya ang pagkanta.

Masarap talagang pakinggan ang napakaganda at malamig na boses ni Michael.

At lalo kaming nasiyahan sa pakikinig nang mag-duet na sila ni Morissette na sabi nga ng ibang kasamahan sa panulat, kung may karapat-dapat tawaging Birit Queen sa bagong henerasyon, ito’y walang iba kundi si Morissette.

Tila nasa concert na nga kami nang hapong iyon dahil todo sa pagbirit sina Morissette at Michael. And narinig na naman namin ang napakalinis na pagsipol ni Morissette. ‘Ika nga ng kasamahang Jojo Panaligan, ‘napakalinis ng pagsipol ng batang ‘yan’.  Na siyang tunay na tila talo pa si Mariah Carey sa pagsipol.

Malayo na nga ang narating ng dalaga simula nang umalis siya sa TV5 para sumali sa The Voice ng ABS-CBN. Isa na siya sa pambatong singer ng Kapamilya Network na kaliwa’t kanan na ang shows niya here and abroad.

Sa ipinarinig na kanta nina Michael at Morissette, tiyak na mas magaganda pang awitin ang inihanda nila sa Powerhouse concert sa Oct. 28, 7:30 p.m. kaya buy na kayo ng tiket dahil hindi kayo malulugi sa napakagandang show na inihanda nila. For ticket inquiries, call lang kayo sa Ticketworld (891-9999).

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …