Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Michael Pangilinan, ipaglalaban ang anak

00 SHOWBIZ ms mTUNGKOL pa rin kay Michael Pangilinan, napag-alaman naming pinadalhan na ni Atty. Ferdie Topacio, legal counsel ng singer, ng invitation si Ms. Erin Ocampo, ina ng anak ni Michael, para pag-usapan ang ukol sa visitation rights ni Michael sa kanilang anak.

Ayon sa balita, hindi naging maganda ang kinahinatnan ng kasunduan nina Michael at Erin before na puwedeng makasama ni Michael ang anak nila. Bigla raw kasing naiba ang ihip ng hangin. Hindi na pinayagan ni Erin na ipahiram ang baby nila kay Michael overnight dahil hindi raw pumayag ang stepdad ng girl kaya minabuti ni Michael na daanin na lang ang lahat sa legalidad.

“Hindi puwedeng ang stepdad niya ang magde-decide para sa baby ko. Maayos ang naging usapan namin ni Erin noon pero ni minsan ay hindi siya tumupad. Gusto niya ay dadalhin niya ang bata sa bahay pero iuuwi rin niya agad. Hindi ganoon ang naging usapan namin. Bakit pinahihirapan nila ako sa anak ko?” sambit ni Michael.

Umaasa si Michael na ngayong sumulat na ang kanyang abogado, maaayos na ang lahat.

For the meantime, tuloy pa rin ang pagtatrabaho ni Michael na ginagawa niya para sa kanyang anak.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …