Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jaycee Parker, umiiwas na sa sexy projects!

00 Alam mo na NonieDATING member ng Viva Hot Babes si Jaycee Parker.

Isa siya sa pinaka-seksi at pinaka-daring na member ng naturang all-female group. Ayon sa kanya, ang pelikulang Ilusyon ang pinaka-daring na nagawa niya noon.

“Sa Ilusyon po, the movie that I won an award po, iyon ang pinaka-daring. Ito yung first Rated-R movie na Rated-A by the CEB. Nanalo rin po ako riyan ng Breakthrough Performance by a Female Actress sa Golden Screen awards,” saad ni Jaycee.

Game pa ba siyang magpa-sexy ngayon?

Sagot niya, “Sa totoo lang po madaming offers sa akin na sexy, pero gusto ko po sanang umiwas sa masyadong sexy na roles. Gusto ko po kasi, mapansin ako sa pag-arte at hindi lang po sa pagpapa-sexy.

“So, gusto ko namang sumabak din sa drama, action, comedy at hindi puro pa-sexy lang po.”

Dagdag pa niya, “Im doing Wives of House #2 on Sari-Sari Channel. Then, I’m also doing a play, tapos mga guestings po.

“Iyong play po is Ako at si Mariang Sinukuan, ako po iyong lead, ako si Maria Sinukuan.”

First time mo bang nag-stage play?

“Second na po, pero super tagal na noong dati… 2008 pa po yata We’ll be starting rehearsals pa lang po kaya ngayon kinakabisado ko po iyong mga lines. Kasi siyempre sa play, walang take-2.”

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …