BUMAGAL ang takbo ng bagyong Dindo habang nananatili sa Philippine area of responsibility (PAR).
Ayon sa ulat ng Pagasa, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 1,035 km silangan hilagang silangan ng Itbayat, Batanes.
Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot ng 160 kph malapit sa gitna at may pagbugsong 195 kph.
Kumikilos ang typhoon Dindo nang patimog-timog kanluran sa bilis na apat kilometro bawat oras.
Patuloy na palalakasin ng bagyo ang paghatak sa habagat na magdadala nang malalakas na ulan sa Luzon at Visayas hanggang weekend.