PUMASOK na sa Philippine area of responsibility (PAR) ang ika-apat na bagyo ngayong 2016 at pinangalanan ito bilang tropical cyclone Dindo.
Ang bagyong Dindo ay may international name na “Lionrock.”
Huling namataan ng Pagasa ang sentro ng sama ng panahon sa layong 1,200 km silangan hilagang silangan ng Itbayat, Batanes.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 130 kph malapit sa gitna at may pagbugsong 160 kph.
Kumikilos ang bagyong Dindo sa bilis na pitong kilometro kada oras habang patungo sa timog-timog-kanlurang direksiyon.
Inaasahang palalakasin nito ang hanging habagat at magdadala ng ulan sa malaking bahagi ng bansa.