Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ron, never kokopyahin ang kapatid na si Coco

HIS brother’s creation?

Nang makilala namin si Ronwaldo Martin at makapanayam, halos walang salitang lumalabas sa bibig nito sa sobrang hiya.

Kaya roon pa lang, naikompara na siya sa Kuya Rodel (na mas popular na sa pangalang Coco Martin) sa panahong ito!

Hindi pa ma-express noon ni Ron na gusto niyang mag-artista at sumunod na rin sa yapak ng Kuya niya.

Pero nang ang Kuya na niya ang pinag-usapan, marami ng nasabi si Ron mula sa pag-aasikaso nito sa isusuot niya that time hanggang sa pagtayo at pag-upo pati na sa pakikipag-usap sa mga tao at higit sa lahat eh, ang manatiling magalang at marespeto.

Fast forward to the now. Naka-ilang pelikula na si Ron sa larangan ng mga indie projects. At sa mga nagawa nito, paangat nang paangat ang kanyang lebel sa pag-arte.

Hindi naman maiaalis na mabanggit every now and then ang pangalan ng Kuya niya at hindi naman daw niya mabubura na ‘yun.

He has his share of bashers. Pero laging nakatingala lang si Ron sa Kuya Coco niya na sobra-sobra ang suporta sa kanya.

“Mapantayan ko lang si Kuya, malaking karangalan na po sa akin ‘yun. At alam din po niya ‘yun na hindi ko siya kinokopya dahil ang payo niya rin sa akin ay ‘yung magkaroon ako ng sarili kong tatak dito para tumagal at hindi nga ‘yung lagi akong ikukompara sa kanya.”

And that’s not an ordinary challenge!

HARDTALK – Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …