Friday , November 22 2024
Land Transportation Office LTO
Land Transportation Office LTO

Ret. Gen. Edgar Galvante dapat manatili sa LTO!

HALATANG-HALATA na marami ang nasaktan nang italaga ni Pangulong Rodrigo ‘Digong’ Duterte si dating Dangerous Drug Board (DDB) Undersecretary Edgar Galvante sa Land Transportation Office (LTO).

Kamakailan sinabi ni Pangulong Digong na nais niyang bakantehin ng PNoy appointees ang kanilang mga puwesto sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan.

In short, dapat silang magpasa na ng kanilang courtesy resignation.

Hindi ba’t ganoon naman ang nararapat?!

Kapag may bagong presidente, dapat magpasa ng courtesy resignation ang mga appointee.

‘Yun ay pagbibigay ng kalayaan sa bagong presidente kung pananatilihin sila o maglalagay ng mga bagong opisyal.

Pero umabot na nga ng 50 araw si Pangulong Digong sa panunungkulan pero talagang hindi pa rin nag-courtesy resignation ang ilang kapit-tuko ‘este’  appointee ni PNoy.

Pakapalan lang ba ng mukha ‘yan?!

Imbes mag-resign ginawan pa ng intriga ang bagong talagang hepe ng LTO na si Undersecretary Ed Galvante.

Dating police general si LTO chief Ed Galvante at bilib si Pangulong Digong sa record niya sa pulisya.

Hindi ba’t ang LTO ay isa sa sinasabing ‘most corrupt agencies’ sa bansa?

Kaya nga ang pinili ng Pangulo ay isang police general na kilalang estrikto at disiplinado sa kanilang gawain.

Kaya nagtataka tayo kung bakit pumutok nitong mga nakaraang araw na kasama raw si Undersecretary Galvante sa mga pinagbibitiw ng Pangulo.

Aba, a-dos ng Hunyo lang nang italaga ng Pangulo si Gen. Galvante, lumalabas na magtatatlong buwan pa lang siya sa LTO pero marami na ang nangongoryente laban sa  kanya?!

Ano ang ibig sabihin niyan?

Marami kaagad ang tinatamaan sa ginagawang paglilinis at pag-aayos ni Gen. Galvante sa LTO.

Sino kaya ang mga tinatamaan na ‘yan?!

Sila rin kaya ang walang tigil sa pagkakalat ng tsismis na maging si Galvante ay pinagre-resign ni Digong?!

O sila ‘yung mga naghihintay ‘mapikon’ si Galvante para sumibat sa LTO at sila’y mag-aala ‘pusa o asong gala’ na biglang sasagpang sa kanyang iniwanan na ‘very juicy position’  lalo na kung kayang-kaya nilang magwalanghiya?!

Unsolicited advice lang po, Gen. Galvante Sir, hindi naman po nakikinig sa urot at sulsol si Pangulong Digong, kaya huwag rin po kayong padadala sa mga inggiterong walang ginawa kundi pababain ang morale ninyo…

Isulong po ninyo ang pagbabagong matagal nag hinihintay para sa LTO nang sa gayon ay matuwa naman ang sektor ng transportasyon…

Suportado ka namin diyan, Gen. Edgar Galvante, Sir!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN – Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *