WALA pang natatanggap na ano mang ulat na may namatay na mga Filipino makaraan ang malakas na lindol sa Italy, ayon sa ulat ng Department of Foreign Affairs (DFA).
Ayon sa DFA, tuloy-tuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga opisyal ng ating embahada sa naturang bansa.
Maging sa mga Filipino community anila ay kumukuha ng update upang malaman ang kalagayan ng ating mga kababayan.
Nabatid na umaabot na sa 170,000 ang mga Filipino na nagtatrabaho o kaya ay residente na roon sa nakalipas na mga taon.
Sa kasalukuyan, halos 20 na ang naitalang namatay sa Italy makaraan maguhuan ng mga gusaling bumagsak dahil sa malakas na pagyanig.