INIUTOS ng Sandiganbayan ang 90-araw suspensiyon kay Sen. Joseph Victor (JV) Ejercito kaugnay sa kinakaharap na kasong graft hinggil sa maanomalyang pagbili ng mga baril noong 2008.
Sa anim na pahinang resolusyon ng Fifth Division ng anti-graft court, ipinasususpinde si Ejercito sa tungkulin bilang senador at hindi puwedeng humawak ng ano mang public office sa loob ng 90 araw maliban kung may isusumite ang senador na “motion for reconsideration.”
Ang graft case laban kay Ejercito ay nag-ugat sa pagbili ng San Juan City ng high-powered rifles taong 2008, noong alkalde pa ang senador sa naturang lungsod.
Ginamit dito ang calamity fund ng lungsod kahit walang tumamang kalamidad sa San Juan City.