Nanawagan si Senior Citizens Association of Davao City President Albina Sarona kay Commissions on Elections (Comelec) Chairman Andres Bautista na iproklama na ang dalawang nagwaging nominee ng Senior Citizens Party-list para mapangalagaan ang kapakanan ng mga nakatatanda sa Kongreso.
Hiniling ni Sarona kayBautista na iproklama na ang da-lawang nominado ng Senior Citizens na sina Francicos Datol Jr. at Milagros Magsaysay dahil nakakuha ang kanilang party-list ng 988,876 boto sa halalan noong nakaraang Mayo 9.
Tumugon si Bautista kay Sarona noong Hulyo 21, 2016 na tatalakayin ang isyu sa Comelec En Banc agenda pero matatapos na ang buwan ng Agosto ay hindi pa naisasalang ang kahilingan kaya nanatiling bakante ang dalawang puwesto ng Senior Citizens sa Kamara de Representante.
Nagtataka ang Kilusan Kontra Kabulukan at Katiwalian (4K) kung bakit hindi inaaksiyinan ng may hawak ng kaso sa Comelec gayong binalewala na nila ang kahilingan ng Senior Citizens/Elderly Party-list na iproklama ang nominees dahil hindi sila nakalista sa balota noong nakaraang halalan.
“Dapat nang aksiyonan ito ng Comelec dahil hindi nila ipri-noklama noong 2013 ang mga nagwaging nominado ng Senior Citizens Party-list kahit iniutos pa ng Korte Suprema,” ani 4K secretary general Rodel Pineda. “Malinaw ngayon na ang grupo nina Datol at Magsaysay ang nakalista sa balota kaya ano pa ang hinihintay ng Comelec?”
Idinagdag ni Pineda na wastong maupo na sina Datol at Magsaysay sa Kongreso lalo’t plano ng gobyerno na tanggalin ang 20 porsiyentong exemption at discount sa Val-ue Added Tax ng nakatatanda.
“Masyado nang kaawa-awa ang senior citizens na walang nagmamalasakit at nagtatanggol para sa kanilang kapakanan kaya nakapagtataka ang kawalang aksiyon ng Comelec sa proklamasyon ng kanilang nominees,” ani Pineda.
“Marami sa commissioners ng Comelec ang senior citizens na kaya kagulat-gulat na wala silang malasakit sa kanilang sektor.”