Monday , December 23 2024

‘Kotong Judge’ ng Makati RTC ipinasisibak sa SC

082416_FRONT
ISANG hukom ng Makati Regional Trial Court ang gustong ipasibak sa Korte Suprema dahil sa pangongotong ng P15 milyon sa isang kompanya ng bakal na complainant sa isang kaso laban sa limang malalaking kompanya ng seguro na nabigong magbayad ng insurance claims.

Inireklamo si Judge Josefino Subia ng Branch 138 ng Makati RTC sa SC Office of the Court Administrator ni Abeto Uy, chairman at CEO ng Steel Corp. of the Philippines, na napilitan umanong magbigay ng P7 milyon bilang downpayment kapalit ng paborableng desisyon sa kanyang kaso laban sa limang kompanya ng seguro.

Sa siyam na pahinang complaint-affidavit ni Uy sa SC-OCA nitong nakaraang Hulyo 20, 2016, sinabi niyang hindi tinupad ni hukom ang naging kasunduan na mapapaboran siya sa claims sa limang insurance company kaugnay sa damage ng nasunog nilang steel plant sa Balayan, Batangas noong Disyembre 9, 2009.

Kabilang sa mga inirereklamong kompanya ang Philippine Charter Insurance Corp. (Charter Ping An), Asia Insurance Philippines Corp., Malayan Insurance Company Inc., New India Assurance Company Ltd. at MAPFRE Insular Insurance Corp.

Base sa “All Risks” insurance policy ng SCP, nagsumite ng insurance claim na aabot ng US$33,882,393, para sa material damage loss at US$8,000,000 para sa business interruption losses sanhi ng sunog sa steel plant ng SCP.

Noong Marso  30, 2015 ay isinampa ang kaso at napunta sa sala ni Subia at noong Abril 2015 naghain ng motion to dismiss ang kampo ng mga insurance company imbes bayaran ang insurance claims ng SCP.

Habang nakabinbin ang kaso, isang Rolando Palad, ng Philsteel Group of Companies na nakatalaga sa Group Risk Ma­nagement bilang insurance consultant, ang lumapit kay Uy at sinabihan na kaanak ng kanyang maybahay si Subia at nag-alok umano na idi-deny ang motion to dismiss ng mga insu­rance company kung magbibigay siya ng P15 milyon.

Sa takot ni Uy na maibasura ang kaso, nakipagkasundo siya kay Palad ngunit downpayment muna na P7 milyon ang kanyang puwedeng ibigay para kay Subia at saka na ibibigay ang balanseng P8 milyon.

“Sensing that if I will not concede to the demands of Judge Subia, the case of SCP against the insurance companies will be dismissed, I hesitantly yielded to the undue and improper pressure on me by Judge Subia especially because he offered to deny the Motion to Dismiss of the insurance companies in exchange for money,” ani Uy sa kanyang complaint-affidavit.

Sinabi ni Uy, ibinigay ang P7 milyon kay Palad sa loob ng kotse na nakaparada sa parking area ng SCP. Ang kotse ay minamaneho ng isang ‘Jojo’ na pamangkin ni Subia.

Gaya nang inasahan, ibinasura ni Judge Subia ang Motion to Dismiss ng insurance companies noong Enero 18, 2016 pero natanggap lang ng abogado ng SCP ang naturang order noong Enero 26.

Agad naghain ng Motion for Reconsideration and Motion for Inhibition ang mga kompanya ng seguro na muling ibinasura ni Subia noong Marso 21, 2016 pero muling naghain ng MR ang insurance companies noong Abril 19.

Nagbago ang ihip nang hangin nang magpalabas ng order si Subia noong Abril 26, 2016 na nag-inhibit sa kanyang sarili sa kaso at agad ipinalipat ang lahat ng record ng kaso sa Office of the Executive Judge para sa re-raffle.

Dahil dito, nagbitiw si Palad sa SCP sa pamamagitan ng serye ng text messages kay Uy dahil sa pagkapahiya sa nangyaring pagbaligtad ni Judge Subia.

“It is apparent from the chain of events and the text messages of Mr. Palad that Judge Subia extorted money from me in exchange for denying the Motion to Dismiss filed by the insurance companies. Judge Subia’s actuation undeniably undermines the people’s faith in the judiciary and should not be allowed to continue to sit as a judge,” paliwanag ni Uy.

Walang pahayag ang panig ni Subia hinggil sa akusasyon laban sa kanya.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *