NOONG Huwebes, halos iisa ang showbiz headline, ito ‘yung pag-aalsa-balutan ni Kris Aquino sa ABS-CBN at pagpirma ng managerial contract sa APT Entertainment ni Mr. Tony Tuviera.
Bago rito, fresh from his US vacation ay naitimbre na ni Noel Ferrer ang pakikipagmiting ni Kris sa APT, na inakala ng marami na may nilulutong film project na pagsasamahan nina Kris at AlDub.
But Noel was quick para pabulaanan ito, hindi man siya nagbigay ng hint ay eto na nga, Kris has jumped ship.
Maraming espekulasyon sa paglipat ni Kris. Isang reliable source ang nagkompirma sa amin na bukod sa shorter contract na gusto na lang ihain ng ABS-CBN kay Kris ay may slash o kabawasan pa sa kanyang talent fee in her guaranteed contract.
Dinig namin, as much as kalahati ang paycut sa kanyang TF, at hindi ‘yon nagustuhan ni Kris.
But she’s not reportedly alone. Apektado rin kasi ang ibang malalaking artista ng Kapamilya Network sa bagong direktibang ito.
Sa ginawang career move na ‘yon ni Kris, nakalulungkot isipin na na-bypass sa negosasyon si Kuya Boy Abunda na adviser/consultant nito.
Ang tanong: anong future kaya ang naghihintay kay Kris, gayong ang APT—na prodyuser ng Sunday program ng GMA—ay teritoryo ni Ai Ai de las Alas na nabuwisit sa kanya kaya umalis ito last year sa Dos?
With her station transfer kung saan naroon si Ai Ai, nambubuwisit din ba si Kris?
Obvious ba?!
HOT, AW! – Ronnie Carrasco III