Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Robin, binitin ni Mariel sa gender at magiging pangalan ng kanilang anak

00 SHOWBIZ ms mMASAYANG inihayag ni Robin Padilla na sa November na manganganak ang kanyang asawang si Mariel Rodriguez-Padilla. Alam na rin ng actor na babae ang kanilang magiging anak at sa September 3 nila ihahayag ang magiging pangalan nito.

Ani Robin, “Mayroon pong magaganap na baby shower si Mariel sa September 3, doon niya sasabihin ang pangalan ng bata. Kasi, ako, medyo binitin-bitin din ng asawa ko, eh. Hindi lang sa usapin na ’yun, ha, pati po roon sa gender. Matagal pa bago niya sinabi sa akin, noong nakaraang linggo lang.

“Tapos, ’eto naman ’yung pangalan. Kasi po, talagang gusto ko, sa kanya lahat manggaling.”

Samantala, hindi naman ikinaila ni Binoe na hindi pa niya nasubukang gamitin ang bagong ineendosong nilang produkto ng kanyang kapatid na si Rommel, ang Bravo Food Supplement for Men na isang dietary supplement na makatutulong sa pagkakaroon ng kakaibang bedroom experience.

082316 bravo robin rommel lourde sabayton
Left to right (with host) – Robin Padilla, Rommel Padilla, Lourd de Veyra, Jun Sabayton

“Kasi napakasinungaling ko naman kung sasabihin kong na-testing ko na ’yung Bravo kasi ho, ’yung asawa ko ay anim na buwan nang buntis. Ipinagbawal po ng doktor na may gawin akong maganda. Kaya ako po ay outside de kulambo pa,” sambit ni Robin sa press launch ng produktong Bravo.

“’Eto pong Bravo, nang unang ikinuwento sa akin, siyempre, kailangan po muna nating imbestigahan. Lahat naman po ng ineendoso ko, hindi ko ’yan ieendoso dahil malaki ang bayad sa akin o kailangan ko ng pera, o may pagdadalhan ng pera, hindi po.

“Lagi po riyan ’yung ’yan ba, eh, makatutulong ba talaga sa tao ’yan? ’Yan ba, eh, baka magbigay lang ng sakit.

“Kaya po, hanggang kanina po, totoo po ’yan, hanggang kanina, pinag-uusapan pa rin po namin kung ano ang kagandahan nito na ibibigay sa tao. Hindi po namin pinag-usapan ang tungkol sa salapi.

“Ang lagi po naming tinatanong, ito ba, eh, kasagutan sa problema ng maraming tao, lalo na ng kalalakihan.”

At naipaliwanag naman daw sa kanya ng maayos ang produkto at malinaw na malinaw ang eksplanasyon kasama na ang tungkol sa bagay na may kaugnayan sa pagkalalaki.

Ang Bravo Dietary Supplement for Men ay isang dietary supplement na nakapagbibigay sigla sa pakikipagtalik. Ang bawat 500mg capsule ng Bravo ay naglalaman ng Maca Root Extract na nakatutulong para madagdagan ang fertility, Jathropha na nakatutulong para sa sexual performance at para ma-sustain ang powerful erection, at ang Corynaea Crassa, naman ay isang Peruvian aphrodisiac na nakadaragdag ng libido na tinatawag na “Peruvian Viagra.” Ang lahat ng sangkap na ito ay natural na nakatutulong sa mga lalaki para mai-deliver ang outstanding performance na kailangan ng mga kababaihan para makapagsabi sila ng “Bravo!” . Ang, Bravo ay hindi medicinal drug at hindi nararapat gamiting gamot sa anumang karamdaman.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …