Saturday , November 16 2024

Karapatan ng kabataan itaguyod — DepEd

MULING inihayag ng Department of Education (DepEd) ang pangangailangan na itaguyod ang karapatan ng mga kabataan sa panahon ng armadong labanan upang matulungan silang agad  makabalik sa normal at ligtas na kalagayan, kasabay ng pagdiriwang ng 2016 International Humanitarian Law Month ngayong Agosto.

Ayon sa DepEd, ang panuntunan para sa proteksiyon na ito at pangangasiwa sa mga kabataan sa panahon ng armadong labanan at iba pang mahihirap na sitwasyon ay nakasaad sa DepEd Order No. 18, s. 2015 o “Guidelines and Procedures on the Management of Children-at-Risk (CAR) and Children in Conflict with the Law” (CICL).

Para sa DepEd, ang mga kabataang namumuhay sa sitwasyon na may nagaganap na armadong labanan “often become victims of compulsory recruitment by armed groups, and are forced to participate directly as combatants or take support roles such as, but not limited to, scouting, spying, sabotaging, acting as decoys, assisting in checkpoints, being couriers, and being used for sexual purposes.”

Bukod sa pamumuhay sa sitwasyon na may armadong labanan, ipinunto ng DepEd, ang mga kabataan na ikinokonsiderang nasa panganib ay kinabibilangan ng mga inabuso, inabandona o pinabayaan, hindi nag-aaral, naninirahan sa mga lansangan, at iba pang mahihirap na kalagayan na naka-aapekto sa kanilang seguridad at kagalingan.

( SIMONA JUDY F. ESTILLERO )

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *