Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

AlDub, hinakot ang parangal sa PEP List Awards; KathNiel, Movie Stars of the Year

00 SHOWBIZ ms mNAKATUTUWANG halos ‘di magkandadala sa napakaraming tropeo/plakeng natangap si Alden Richards (kasama na ang kay Maine Mendoza na hindi nakadalo dahil nasa abroad ito) noong Linggo ng gabi sa katatapos na The PEP List Awards night na ginanap sa Crowne Plaza

Itinanghal na TV Stars of the Year sina Alden at Maine o AlDub, samantalang sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla o KathNiel ang nagwagi bilang Movie Stars of the Year

Nagwagi rin bilang Newsmaker of the Year at Celebrity Pair of the Year sina Alden at Maine. Si Maine naman ang napili bilang Female Breakout Star of the Year at Best PEPtalk Episode naman si Alden.

Si Kathryn ang napili sa Female Teen Star of the Year award.

Binigyang pagpahalaga rin ng PEP List ang mga performances ng actor at aktres sa drama at komedya. Nagwagi si Glaiza de Castro bilang Teleserye Actress of the Year para sa kanyang role na lesbian lover sa The Rich Man’s Daughter samantalang si Ken Chan naman ang Teleserye Actor of the Year para sa pagiging transwoman sa Destiny Rose.

Sina Cherry Pie Picache (para sa pagiging lesbian mom sa On The Wings of Love) at Arjo Atayde (para sa pagiging villain cop sa FPJ’s Ang Probinsyano) naman ang napili sa Teleserye Supporting Actress at Teleserye Supporting Actor of the Year.

Ang Banana Sundae actress naman na si Angelica Panganiban ang napili bilang Comedy Actress of the Year samantalang si Wally Bayola ang Comedy Actor of the Year para sa kanyang performance sa  Eat Bulaga! At Sunday Pinasaya.

Itinanghal namang Male Breakout Star of the Year si John Arcilla para sa kanyang pagganap sa Heneral Luna.

Ang mga TV programs naman na binigyang pagpapahalaga para sa taong ito ng The PEP List ay ang On The Wings of Love (bilang Primetime Series of the Year), Destiny Rose (bilang Daytime Series of the Year), Eat Bulaga! (bilang Variety Show of the Year), The Voice Kids Season 2 (bilang Reality Show of the Year), at Sunday Pinasaya (bilang Comedy Show of the Year).

Sina Mikael Daez at Jasmine Curtis-Smith ang nagsilbing mga host sa The PEP List Year 3 Awards Night samantalang nagbigay naman ng magagandang awitin sina Angeline Quinto, Christian Bautista, KZ Tandingan, at Gloc-9.

Nasa ikatlong taon nang isinasagawa ang The PEP List na nagbibigay pagkilala sa mga brightest stars at best shows sa pamamagitan ng Editor’s Choice at PEPsters’ Choice categories.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …