UMABOT sa 718 drug suspects ang namatay sa inilusand na drug operation ng pambansang pulisya sa buong bansa.
Nasa 10,153 drug pusher at users ang naaresto habang higit sa 600,000 drug personalities ang sumuko sa PNP.
Ayon kay PNP chief Director General Ronald Dela Rosa, batay sa nakuha nilang datos, mayroong 3.7 milyong drug users sa buong bansa.
Isang indikasyon ito na malala at lumalaki ang problema sa illegal na droga.
Sinabi ni Dela Rosa, batay sa datos ng PDEA as of February 2016, nasa 94% sa mga barangay sa National Capital Region (NCR) ay apektado ng illegal drugs.
Umabot sa P2.3 bilyon halaga ng illegal drugs ang kanilang nakompiska sa mga raid na kanilang isinagawa.
Tiniyak ni Dela Rosa, gagawin nila ang lahat para tapusin ang problema ng illegal na droga sa bansa. Muling iginiit ng heneral sa Senate inquiry kahapon kaugnay sa extrajudicial killings, hindi niya “tino-tolerate” ang pamamayagpag ng vigilante killings sa bansa.