Saturday , November 16 2024
road traffic accident

3 sakay ng motorsiklo patay sa truck van

NAGA CITY – Patay ang tatlong katao nang pumailalim ang sinasakyang motorsiklo sa truck van sa bayan ng Nabua, Camarines Sur kamakalawa.

Binabaybay ng motorsiklo na minamaneho ni Gilbert Cerdan ang kahabaan ng kalsada sa nasabing lugar lulan ang dalawang backrider na sina Manuel Lovero, 19-anyos ,at Romulo Piana Jr., 50-anyos, nang mag-overtake sila sa sinusundang van na minamaneho ni Erian Bithao, 38-anyos.

Nang mag-overtake, nawalan ng kontrol sa motorsiklo si Cerdan kaya natumba at nasagasaan ng truck van.

Isinugod ang mga biktima sa pagamutan ngunit idineklarang dead on arrival ng mga doktor.

DALAGITA PATAY, 8 SUGATAN SA MOTORSIKLO VS TRIKE SA CAMSUR

NAGA CITY – Patay ang isang menor de edad habang sugatan ang walong iba pa sa banggaan ng motorsiklo at pampasaherong tricycle sa Brgy. Tara, Sipocot, Camarines Sur kamakalawa.

Binabaybay ng tricycle na minamaneho ni Alberto Huerte, 51-anyos, ang kahabaan ng kalsada sa nasabing lugar lulan ang apat pasahero nang biglang sumalpok ang isang motorsiklo na minamaneho ni Ryan Roldan kasama ang tatlong backrider.

Dahil sa lakas ng impact, nasugatan ang mga pasahero ng dalawang sasakyan na agad isinugod sa ospital.

Napuruhan sa insidente ang isang 15-anyos dalagita na agad binawian ng buhay.

Nabatid na lango sa alak ang driver ng motorsiklo nang mangyari ang aksidente.”

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *