INIANUNSIYO ng Philippine National Police (PNP) nitong Lunes na nag-positibo sa confirmatory drug test ang 130 pulis.
Ayon kay Chief Supt. Emmanuel Aranas, acting director ng PNP Crime Laboratory, nakompirma sa pagsusuri ang paggamit ng shabu ng 130 pulis.
Kabilang ang naturang mga pulis sa kabuaang 99,598 kawani ng PNP na sumalang sa drug test, hanggang dakong 8:00 am nitong Agosto 22.
Ang mga unit head ng mga pulis na bumagsak sa drug test ang magkakasa ng susunod na mga legal na hakbang laban sa kanila, dagdag ni Aranas.