Thursday , December 26 2024
NORA AUNOR/SEPTEMBER 12,2012 Superstar Actress Nora Aunor during a visit to the Inquirer office in Makati City. “Thy Womb” won three awards for Mendoza at the recently concluded Venice International Film Festival. ARNOLD ALMACEN/INQUIRER

Kinabog ang living legend na si Nora Aunor!

NAKATATAWA naman ang Cinemalaya Awards night dahil pinaboran nila bilang best actress ang baguhang si Hasmine Killip na ang acting ay hilaw na hilaw pa at hindi talaga uubrang i-level sa classic acting ni Ms. Nora Aunor at ng napakahusay na si Judy Ann Santos.

Kung ang jurors sa mga international award giving body ay nangangayupapa sa husay ng isang Nora Aunor, to the point na ang isang international actor na tulad ni Jackie Chan ay binigyan talaga siya ng standing ovation. At sa Cannes film festival naman ay hindi talaga pinayagang maglakad mag-isa si Brillante Mendoza sa red carpet nang hindi kasama ang isang Nora Aunor, dito sa atin ay tinatalo na lang siya ng mga baguhang aktres na oo nga’t may talino naman pero hindi sapat para iagapay sa isang Nora Aunor.

Sa totoo, ang panalo ng isang baguhang tulad ni Hasmine something or whatever, ay harap-harapang pagdusta sa talino ng isang legendary actress.

Nakapanginginig ng laman na tinatalo na lang nang kung sino-sino ang isang living legend na tulad ni Ate Guy na mga mata palang ay umaarte na at ang pagbitaw ng dialog ay may liriko na hinangaan sa ibang bansa.

Malalim kasi ang pelikula ni Nora kaya hindi siguro masyadong naintindihan ng mga hurado kaya pinanalo na lang nila ang madaling intindihing paglalahad ng kuwento tulad ng Pamilya Ordinaryo na payak at simpleng-simple ang paksang tinatalakay.

How disgusting if I may say so!

CELEBRITY EDITION TSINAKA LANG

NG PBB AT MAS PINABORAN

ANG NAMELESS NEWCOMERS!

Nakatatawa ang Celebrity edition ng Pinoy Big Brother.

Imagine, parang napaka-fleeting ng kanilang episode at ‘yung last edition nga nila ay limang housemates ang sabay-sabay na pinaalis.

Parang winalis na lang sila nang ganon-ganon lang at parang hindi binigyan ng importansya.

Why is that so?

Celebrity edition pa naman pero parang kulang sa element of importance at mas pinaboran pa ang mga nameless na newcomers?

Ang weird?

Anyhow, where is PBB heading at? Parang wala na silang sense of direction at parang nawala na ang spellbinding drama na stock in trade ng show.

Parang nami-miss namin ang drama na incorporated sa show noong sina Nene Tamayo, Sam Milby at Jason Gainza pa ang housemates na masyadong strict ang mga rules at hindi talaga puwedeng lumabas ang housemates at wala silang connect sa outside world.

Ngayon parang anything goes na lang ang drama. Nakalalabas ang housemates at parang hindi na sila novelty.

Today, parang hindi na sila matandaan ng mga tao at parang sina Kapitan Nene, ang sensational noong si Franzine Fajardo na based na in Malaysia at may negosyo roon, ang educated na si Say Alonzo na happily married na, ang hunky dude na si Bob dela Cruz na nasa Bulacan pa rin and into politics, at ang colorful na si Umma Khouni na based na in New York at merong coffee business roon, ang parang kilala nila. Hahahahahahahahahahaha!

How gross!

Ngayon, sampu-sampera na lang ang housemates and they come and go without leaving a mark.

Without leaving a mark daw, o! Hahahahahahahahahaha!

‘Yun lang!

GOV. ER EJERCITO

KINANA RAW NI PNOY!

Had an inadvertent encounter with Gov. ER Ejercito at the presscon of Vladimir Antonio, the son of the millionaire who was killed by his own son for money reasons, and I was shocked how gorgeous he looked.

Dahil hindi na masyadong busy, he now has time to go to the gym and do some workout.

Anyway, nagpoprotesta pala siya dahil kung pagsasamahin daw ang boto niya at ng kanyang anak ay panalo sila laban sa incumbent administration.

Dinaya raw sila at hindi inalis ang pangalan ng kanyang anak sa listahan ng mga kandidato kaya nahati ang kanilang boto.

I’m not very sure but he mentioned in passing, too, about the case that he and Atty. Ferdinand Topacio would file against PNoy for alleged fraud.

Siya lang daw ang government official na tinanggal sa puwesto gayong marami silang kinasuhan ng overspending.

Talaga raw pinag-initan siya ni former president Benigno Aquino, Jr., dahil may history silang dalawa, na hindi na namin idi-discuss for the simple reason that it would be too incriminating for him.

Basta kakasuhan daw nila si PNoy at naghahanda na sila ni Atty Topacio para rito.

Anyway, very touchy kung idedetalye pa namin, but he excitedly explains that he is right now working with Gina Lopez in the restoration of the Pasig river project of the great lady.

Kanilang lilinisin ang Pasig river na nilagyan na ng mga fish pen ng kung sino-sinong influencial people.

ANGEL AQUINO, JEAN GARCIA

BIBIDA SA KARELASYON

Isang powerhouse cast ang tampok sa episode ng Karelasyon ngayong Sabado (August 20) dahil magsasama-sama ang mga premyadong aktor na sina Angel Aquino, Jean Garcia, at Noni Buencamino.

Sa unang tingin ay tila perpekto ang buhay ni Janice (Angel). Bukod sa buhos ang atensiyon at pagmamahal mula sa asawang si Filbert (Noni), ay nagdadalang-tao rin siya sa una nilang anak. At sa kanilang paglipat sa bago at mas magandang apartment ay mas naging maligaya pa si Janice. Wala na nga raw siyang mahihiling pa.

Pero tunay nga bang walang mali sa buhay niya?

Ilang araw pagkatapos nila maglipat, may mga bagay na mapapansin at labis na ipagtataka si Janice. Una ang ingay, kalabog, sigawan at iyakan na nanggagaling mula sa apartment sa itaas ng kanilang unit.

Pangalawa ang mapapadalas na pag-alis ng kanyang mister tuwing dis-oras ng gabi. At huli, ang pakikipagkaibigan sa kanya ng babaeng si Diane na ‘di umano ay laging binubugbog ng kanyang asawa.

Sa pagnanais ni Janice na tulungan si Diane na makalaya sa pang-aaubuso ay madidiskubre niyang may koneksyon ang lahat ng bagay na kanyang ipinagtataka.

Mula sa panulat ni Ralston Jover at direksiyon ni Adolf Alix, Jr., abangan ang nakaiintrigang episode na ito ng Karelasyon. Mapapanood ang Karelasyon kasama si Carla Abellana tuwing Sabado, pagkatapos ng Eat Bulaga sa GMA.

BACK TO BACK – Pete Ampoloquio, Jr.

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *