PROMISES to keep or to forget?
Kuwentong pampamilya ang ihahatid ni direk Frasco Mortiz mula sa ini-research at isinulat nina Joan Habana at Arah Jell Badayos sa mga katauhang gagampanan nina Maris Racal, Veyda Inival, Aleck Bovic, Cris Villanueva, John Manalo, Alchris Galura, at Via Veloso sa episode ng MMK (Maalaala Mo Kaya) ngayong Sabado, Agosto 20.
Laki sa luho ang mga bida. May good provider na tatay. Komportableng buhay. God-centered. Disiplinado. Nagmamahalan.
Hanggang sa pagpanaw ng haligi ng tahanan nang hindi naihanda ang magiging kinabukasan ng kanyang mga mahal sa buhay.
Bababa sa buhay ang lumaki sa luho. Magsilbi kayang inspirasyon ang nakamulatan sa ama?
HARDTALK – Pilar Mateo