Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jean, na-miss ang pag-arte

FIERCEST and feistiest. Are the women of Tubig at Langis fighting for the love of a man?

‘Yan ang ikot ng buhay nina Irene at Clara portrayed by Cristine Reyes and Isabelle Daza kasama ang lalakeng si Natoy na ginagampanan ni Zanjoe Marudo.

Umaatikabong sampalan, sabunutan, sigawan, at awayan ng dalawang nagmamahal ang nasasaksihan ng manonood tuwing hapon.

Kaabang-abang ang bawat eksena at nakakasama na rin sa pagtatalo ang karakter ni Dionne Monsanto.

At ang isa pang lalong nagbibigay-kulay sa buhay ng mga bida ay si Jean Saburit na pumalit sa nawalang si Vivian Velez.

“Kaibigan ko naman ang business unit head na si Ruel S. Bayani. One time, magkasama kami and nabanggit nga sa pinag-uusapan nila ng mga kasama niya na kailangan nila ng another character sa show kasi nga umalis na si Vivian who is my friend. Sabi ko, bakit naghahanap pa siya eh, heto naman ako. Eh, nakasama na ako sa ilang shows niya. So, nami-miss ko naman ang pag-arte uli. Every now and then kasi I stay with Nicole (Andersson), my daughter sa San Francisco. And there was a time had to take care of my sick Mom. Kaya lagi rin ako sa ICU sa Kaiser Permanente. Eh, wala namang TFC sa hospital.”

At lahat sila ay may problema ngayon dahil ilang linggo na lang eh, magwawakas na ang soap. Paano ba hinaharap ang separation anxiety?

May magandang rason for Isabelle dahil aalis na ito sa September 2 palipad ng Italy para asikasuhin ang kasal nila ng kasintahan.

Nag-iyakan na ang girls. Sinimulam ng bagets kasi.

At ang mga pahayag ni Zanjoe ay nalagyan ng ibang kahulugan dahil may tono ng panghihinayang na may nagmamay-ari na sa puso ni Belle. Iniwasan. Inilagan.

May pangako ang grupong siguradong hindi na bibitaw ang mga manonood sa mga susunod na pasabog nina Irene at Clara!

HARDTALK – Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …