TUMAAS ng 7 percent ang gross domestic product (GDP) ng bansa sa second quarter ng 2016.
Dahil dito, naging “fastest or the second fastest” growing economy na ang bansa.
Mula noong unang quarter na mayroong 5.8 percent ay naging 7 percent ito pagpasok ng Abril hanggang Hunyo.
Tinawag ni National Economic Development Authority (NEDA) Director General Ernesto Pernia, isang magandang panimula sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 7 percent growth sa second quarter.