IGAGALANG ng Malacañang kung ano man ang magiging desisyon ng Supreme Court (SC) sa petisyon na isinampa laban sa nakatakdang libing sa labi ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Ito ang tiniyak ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo kasunod nang pagtatakda ng SC ng oral argument sa Agosto 24.
Sa kabila nito, naniniwala si Atty. Panelo, walang legal na basehan ang petisyon dahil malinaw sa batas na kuwalipikadong mailibing si Marcos sa Libingan ng mga Bayani.
Nilinaw niya, batay sa R.A. 289 na nag-uutos para sa pagbayad sa human rights victims ay hindi nakalagay na si Marcos ang may kagagagawan nito.