INILABAS na ng Malacañang ang listahan ng mga regular at special non-working holidays sa buong bansa para sa taon 2017.
Batay sa Proclamation Number 50, nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang idinedeklara niyang regular holiday katulad ng New Year’s Day, Araw ng Kagitingan, Huwebes Santo, Biyernes Santo, Labor Day, Independence Day, National Heroes Day, Bonifacio Day, Christmas Day, Rizal Day, Eid’l Fitr at Eid’l Adha.
Habang ang special non-working holidays para sa susunod na taon ang Chinese New Year, EDSA 1 Anniversary, Black Saturday, Ninoy Aquino Day, All Saint’s Day, December 31 at ang bagong special non-working holiday ay Oktubre 1.