PATULOY na namumuhunan ang Ayala Corporation sa iba’t ibang hanay ng pagnenegosyo upang mapagaan ang buhay ng mga Filipino sa pamamagitan ng pagbibigay ng murang serbisyo para sa konsultasyon, murang gamot at abot-kayang matrikula na may kalidad na edukasyon.
Sa katunayan, ang itinayo na isang community based service sa pamamagitan ng Ayala Health Family Doc Clinic na napakamura ang konsultasyon at murang laboratory habang ang Generika, mayroon 615 sangay sa buong bansa ay malaking tulong sa sa mga Filipino para makabili ng mas murang gamot katulad ng metformin, salbutamol, at mefenamic acid.
Sa Family Doc, mayroong 35 percent discount sa consultation, 90 percent discount sa minor surgeries at 60 percent discount sa ultrasound services.
Napagalaman, sa Ayala Education, kabilang sa kurikulum ng Affordable Private Education Center (APEC) schools, ang English Immersion o magsasanay sa mga mag-aaral na maging bihasa sa pagsasalita ng English, technical education, skill trainings at employment. Kung sino ang unang makatatapos ng 90 araw ay makapapasok sa trabaho.
Mababa rin ang ang matrikula sa kanila na umaabot lamang sa P29,000 kung ikomkompara sa ibang private school na ang lahat ng bayarin ay aabot sa apatnapung libong piso.
Nabatid, sa susunod na taon ilalabas ng Ayala Group of Companies ang KTM motorcycle na made in the Philippines sa kauna-unahang pagkakataon na mayroong sasakyang gawa ng Filpinas.