Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
knife saksak

Misis pinatay ni mister (OFW tumangging makipag-sex)

TUGUEGARAO CITY – Boluntaryong sumuko sa mga awtoridad ang isang lalaki makaraan mapatay ang kanyang misis sa bayan ng Aparri, Cagayan kamakalawa.

Ayon kay Chief Insp. Pepito Mendoza, sinundo ng mister na si Demy Taloza, 52, ang kanyang misis na si Marites, 42, mula sa ibang bansa, noong Agosto 13.

Sinabi ni Mendoza, umuwi ang misis dahil gusto niyang makita ang kanyang anak na naka-confine sa ospital.

Pagkalipas ng ilang araw, niyaya ng mister ang misis na magtalik ngunit tumanggi ang misis at sinabi pang gusto na niyang makipaghiwalay.

Sa puntong ito, nagalit ang mister kaya binugbog at pinalo niya ng kahoy ang kanyang misis.

Nakatakbo pa ang misis sa labas ng kanilang bahay ngunit hinabol siya ng lalaki at pinagtataga.

Dinala sa pagamutan ang babae ng kanilang mga kapitbahay ngunit idineklara siyang dead on arrival ng mga doktor.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …