NAKATAKDANG kasuhan ng paglabag sa RA 10364 o Expanded Anti-Trafficking in Persons Act ang naarestong mag-asawa na nag-o-operate ng cyber sex den sa bahagi ng Mabalacat, Pampanga.
Natukoy na ang mag-live in partner na sina Luisa Pineda at Raymond Manganti ang sinasabing mga operator ng Cybersex den.
Sa pagsalakay ng mga awtoridad, nasagip ng PNP Anti Trafficking in Persons Division ang tatlong menor de edad kabilang ang dalawang batang babae at isang lalaki na edad apat hanggang walong taon gulang.
Ibinunyag ng PNP, mula sa surveillance operation ng Federal Bureau of Investigation (FBI) ng United States ang nasabing impormasyon.
Kasalukuyang nasa pangangalaga ng DSWD ang nasagip na mga kabataan.