ISA nang appointee sa ilalim ng Duterte administration ang kilalang personalidad na ito na mahusay sa kanyang larangan.
Pero bago ang kanyang appointment ay kinontak pala siya ng isang kasamahan sa hanapbuhay para sa isang trabaho. Siyempre, ipinaalam ng kumontak kung ano ang kanyang gagawin, sabay tanong na rin kung magkano ang presyo nito?
Sagot ng personalidad, “(pangalan ng contact person), Two hundred thousand pesos ang talent fee ko. Take it or leave it.”
Doon na natapos ang simple at sandaling transaksiyon, pero masama ang loob ng kumontak sa personalidad. Sana man lang daw ay naisip nito ang may kalaliman din nilang pinagsamahan ng celebrity na ‘yon, na bumilang na rin ng napakaraming taon.
Mas ikinasama niya ng loob ang huling pangungusap na, “Take it or leave it” na binitawan ng personalidad na itago na lang natin sa alyas na Clarissa Que Sera Sera.
( Ronnie Carrasco III )