Monday , March 16 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Hasmine Killip, bilib sa galing nina Nora At Juday!

00 Alam mo na NonieMALAKING upset ang ginawa ng newcomer na si Hasmine Killip, lead actress sa Pamilya Ordinaryo nang maungusan niya sa Best Actress category ang mga premyadong aktres na sina Nora Aunor at Judy Ann Santos sa katatapos lang na 12th Cinemalaya Independent Film Festival.

Ginawa na rin ito noon ni Therese Malvar sa pelikulang Ang Huling Cha-Cha ni Anita sa 2013 Cinefilipino filmfest, pero doon ay si Nora lang ang nakatapat niya. Sa kaso ni Hasmine, dalawang bigatin ang nakatapat at tinalo niya, sina Nora at Juday.

Sa naturang pelikula ay gumanap si Hasmine bilang si Jane na ‘asawa’ ni Aries (Ronwaldo Martin). Sila’y mga teenage parents na nakatira sa bangketa at nabubuhay sa pagnanakaw. Pinamahalaan ni Eduardo Roy, Jr., kabilang sa mga nakuhang awards nito ang Best Editing, Best Direction, Best Film, NETPAC Prize winner, at Best Performance of an Actress para kay Hasmine.

Ayon kay Hasmine, ni hindi raw sumagi sa isip niyang tatalunin sina Nora at Juday. “Naku, hindi po! Never kong in-imagine yun! Kasi, ano naman laban ko po eh baguhan lang naman ako? Sa totoo lang po, fan nila ako. Sobrang galing kasi nila.

“Ewan ko nga ba, bakit ako nanalo, hindi ko naman hinangad ‘yun. Pero salamat pa rin at nagustuhan nila ang akting ko, hehehe.”

Ano ang masasabi mo sa iyong director dito at sa leading man mong si Ronwaldo?

“Sa direktor ko, napakabait niya na pinatira pa ako sa bahay nila at pinagluluto pa kami ng pagkain ng lola ko. Kaya sobrang salamat talaga sa kanya. ‘Tsaka kung hindi dahil sa kanya, hindi siguro ako makikilala.

“Kay Ronwaldo naman na kakulitan ko, napakabait niya at down to earth. Sobrang saya niya katrabaho.”

Nasaktan ka ba sa mga batok ni Ronwaldo sa iyo sa pelikula ninyo?

Tumawa muna siya bago sumagot, “Siyempre po, totohanan kami sa mga ganoong eksena. Pero pinag-usapan namin yun, pati mga pagtadyak at sampal ko, solid po talaga. Kasi kailangan, pero pagtapos naman niyon, naghaharutan ulit kami at nag so-sorry naman.”

Nang nalaman mo na ikaw ang gaganap na Jane, ano ang na-feel mo?

Sagot niya, “Sobrang saya at excited, siyempre bida, eh. Hahaha!”

Sa August 31 ang regular showing ng Pamilya Ordinaryo at hindi ito dapat palagpasin.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Ricci Rivero Juliana Gomez

Ricci pinararatangang oportunista sa pakikipag-close kay Juliana

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRA naman ang basher ni PBA cager Ricci Rivero. Sa pinag-uusapan ding …

Janine Gutierrez

Janine ipinangalandakan Fake News pagbubuntis

PUSH NA’YANni Ambet Nabus GAYA ng ibang celebrities na natsismis na buntis nang dahil lang …

Dangal ng Pinas 2026

Coco, Jen, Dennis bibigyang parangal sa Dangal ng Pinas 2026

MATABILni John Fontanilla ISANG non-government at non-profit award giving body ang Dangal ng Pinas na ang misyon …

Ahtisa Manalo Alden Richards

Ahtisa inaming crush si Alden: he has a maamo face

MATABILni John Fontanilla MULA sa pagiging beauty queen ay pinasok na rin ni 3rd runner …

Face to Face to Face with Ate Koring Korina Sanchez-Roxas

Korina Sanchez-Roxas bagong Ka-Nanay sa Face to Face with Ate Koring ng TV5 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NGAYONG Women’s Month, muling magbabalik sa TV5 ang isang programang minahal ng marami, …