TAHASANG inakusahan ni Sen. Leila de Lima si Pangulong Rodrigo Duterte nang pag-abuso at maling paggamit sa kanyang executive power para sa personal na pag-atake sa kanya.
Ginawa ni Sen. De Lima ang pahayag makaraan ang alegasyon kamakalawa ni Pangulong Duterte na mayroon siyang driver-lover na kanyang pinatayuan ng bahay at taga-kolekta ng campaign funds noong halalan.
Sinabi ni Sen. De Lima, ang ginagawang paninira at pagwasak sa kanya ni Duterte ay hindi malayong mangyari rin sa ibang hindi susunod sa kanyang kagustuhan.
Ayon kay De Lima, bagama’t gusto rin niyang itigil ang imbestigasyon ng Senado hinggil sa summary executions para tigilan na ang personal na pag-atake sa kanya ngunit hindi niya magagawa.
Inamin ni De Lima na tao lamang siya, natatakot, nasasaktan at nag-aalala para sa pamilya at mga mahal sa buhay.