SINIBAK sa serbisyo ang 18 pulis dahil sa pagkakasangkot sa illegal na droga.
Ito ang kinompirma ni PNP chief, Director General Ronald Dela Rosa sa kanyang talumpati sa ika-115th Police Service Anniversary kamakalawa.
Sinabi ni Dela Rosa, bukod sa mga pulis na sinibak sa serbisyo may dalawa pang pulis ang kasalukuyang suspendido habang nasa 37 ang nahaharap sa mga kasong may kinalaman sa illegal na droga.
Ito ay bukod sa mahigit 30 boluntaryong sumuko na nasa narco list ng pangulo at kasalukuyang iniimbestigahan.
Desmayado si Dela Rosa sa pagkakasangkot ng ilang mga tiwaling pulis sa illegal na gawin.
Pinaaalalahanan ni Dela Rosa ang mga pulis na sila ay may tungkulin para maglingkod at hindi para pagkakitaan ang kanilang kapangyarihan.
Siniguro ni PNP chief, determinado ang PNP na linisin ang kanilang hanay mula sa tiwaling pulis, lalo na ang kampanya laban sa ilegal na droga.