ISANG Martes ‘yon ng pasado 6:00 p.m. habang papalabas kami ni Cristy Fermin ng Reliance Bldg., ang media center ng TV5. Katatapos lang naming magradyo nang may lumapit sa aming kinatatayuan.
Si Mocha Uson ‘yon, may kung anong guesting yata siya ng araw na ‘yon. Minsan nang naging paboritong paksa ng mga kolum ni Tita Cristy si Mocha, lalong-lalo na noong ikinakampanya nito ang kanyang presidential choice, si Pangulong Digong Duterte.
Sa kabila ng pagpitik ni Tita Cristy ay idinaan lang ni Mocha sa Facebookang kanyang marespetong reaksiyon sa isinulat nito, sabay paliwanag where she was coming from.
Batid ni Mocha na bilang isang publikong pigura ay kasama na rin niyang ibinibilad ang kanyang sarili sa mapanuring mata ng madla, whether or not maganda ang mga komento nito.
Ang maganda kay Mocha nang finally ay makaharap na niya si Tita Cristy ay marespeto pa rin itong bumati at humalik. Alam din niya kasing bahagi lang ‘yon ng tungkulin ng kolumnista sa kanyang reading public.
Iba nga naman kapag ang isang tao—tulad ni Mocha—ay mayroong pinag-aralan. Kakambal kasi nito ang breeding which is reflective of how she was brought up by her parents.
( RONNIE CARRASCO III )