AGAN ng Sandiganbayan na makabiyahe sa labas ng bansa sina dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at dating First Gentleman Mike Arroyo.
Base sa tatlong pahinang resolusyon ng anti-graft court, pinahintulutan ang mag-asawang Arroyo na makapunta sa Germany at France mula Setyembre 19 hanggang Oktubre 3, 2016.
Habang sa Hong Kong ay mula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 4, 2016.
Gayonman, inatasan ng Sandiganbayan 4th division ang dating pangulo na maglagak ng P300,000 travel bond at P90,000 para kay dating unang ginoo.
Ngunit hindi maaaring magkaroon ng side trip ang mag-asawang Arroyo.
Ang dating first couple ay nahaharap sa $329-milyon NBN-ZTE deal kahit hindi ito naisakatuparan.