Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Aga, magbabalik via Pinoy Boyband Superstar

POSIBLENG sa paglabas ng kolum na ito’y nakapagpasya na si Ogie Alcasid whether to stay with TV5 o bumalik sa GMA (o puwede ring lumipat sa ABS-CBN). Expired na kasi ang kanyang kontrata sa estasyong pagmamay-ari ni MVP.

Years ago, sa layunin ng Singko na palakasin ang estasyon ay hindi lang ang iba pang network talents ang agad naglundagan sa anila’y greener pastures. Maging ang mga malalaking pangalan sa industriya, the likes of Sharon Cuneta, Aga Muhlach, Robin Padilla, Ogie, Derek Ramsay, etc. had crossed boundaries.

Sadly, isa-isa ring nangawala ang mga ito. Bumalik sina Sharon at Robin sa ABS-CBN, while Ogie opted to stay. Malaking factor din kasi ang pagiging ninong ni MVP kina Ogie at Regine Velasquez.

But of them all, tila wala nang balita tungkol kay Aga. After his infotainment show na Pinoy Explorer on TV5, nothing was heard mula sa aktor. (Malapit na ring mapanood si Aga sa Kapamilya Network via the upcoming reality show Pinoy Boyband Superstar. Isa siya sa magiging hurado roon kasama sina Vice Ganda, Yeng Constantino, at Sandara Park—ED)

Isang source who knows the ins and outs sa TV5 ang aming tinanong tungkol sa whereabouts ni Aga. Sagot nito tungkol sa pagiging scarce o non-visible ng aktor, “Naku, ang taba-taba niya ngayon!”

Huwag lang sanang tuluyang tinabangan si Aga to go public, na ang iniisip naming dahilan ay posibleng depresyon nang tumakbo at matalo sa public office sa parteng Bicol.

Back to Ogie, kung sakaling maayos siya nagpaalam kay MVP ay sino na lang pala ang masasabing “last man standing” sa TV5?

Si Janno Gibbs? Hindi kaya where Ogie goes ay doon na rin ang direksiyon ni Janno?

But we doubt if Janno will choose to go back to GMA. Ay, let us paraphrase it…we doubt if GMA will take Janno back.

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …