Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Stab saksak dead

Obrero patay sa saksak ng karibal

SELOS ang isa sa motibong tinitingnan ng Pateros Police kung bakit sinaksak hanggang mapatay ang isang obrero ng karibal niya sa pag-ibig nitong Lunes ng gabi.

Hindi na umabot nang buhay sa Rizal Medical Center ang biktimang Noel Reyes, 49, ng 1148 Alley 9, Brgy. Santa Ana ng naturang bayan.

Habang tinutugis ng mga awtoridad ang suspek na si Louie Mabingnay, 42, ng Ipot Jam, P. Rosales St., Pateros.

Sa imbestigasyon ng Pateros Police, nangyari ang insidente dakong 9:00 pm malapit sa bahay ng biktima sa naturang lugar.

Nakatayo ang biktima nang biglang sumulpot ang suspek at agad siyang sinaksak.

Sa pahayag  ng kinakasama ng biktima na si Josephine sa Pateros Police, dati niyang kinakasama ang suspek, limang taon na ang nakalilipas.

Ayon sa kanya, mula nang magsama sila ng biktima ay lagi na silang nakatatanggap ng pagbabanta mula sa suspek.

( JAJA GARCIA )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …