DAGUPAN CITY – Patay ang isang mag-anak na may limang miyembro makaraan makoryente sa Brgy. Bacondao East sa bayan ng Malasiqui, Pangasinan kamakalawa.
Kinilala ang mga biktimang sina Arnel Conasco, Henry Mendoza, Michael Mendoza, Rochelle Mendoza at Grade 3 pupil na si Geann Conasco, pawang residente sa nasabing lugar.
Sa impormasyon, aksidenteng nahawakan ni Rochelle ang live wire sa kanilang bahay sa kasagsagan nang malakas na buhos ng ulan kamakalawa ng gabi habang gumagawa ng sampayan.
Nang makita siya ng iba pang mga biktima ay nag-panic at hinila siya dahilan para makoryente silang lahat.
Isinugod sila sa pagamutan ngunit pawang binawian buhay.