PATAY ang isang isang manggagawa habang pinaghahanap ang lima pa niyang kasamahan makaraan gumuho ang tunnel ng itinatayong dam sa General Nakar, Quezon.
Kinompirma nitong Lunes ng Municapal Disaster Risk Reduction & Management Council (MDRRMC), kasagsagan ng pag-ulan nitong Sabado nang masira ang cofferdam o dam tunnel sa Sitio Sumat, Brgy. Umiray.
Natabunan ng guho ang mga manggagawang sina Roland Sanchez, Danny Harnois, Simion Sig-Od, Ferdie Sanadad, David Guiage, at Zenith Picat.
Inaalam pa kung sino sa kanila ang nalunod sa insidente.
Habang nakaligtas ang kasamahan nilang si Salvador Pacling.
Napag-alaman, ang mga biktima ay pawang mga minerong inarkila ng Cavdeal International Construction, na gumagawa ng waterways sa Umiray River sa kabundukan ng Sierra Madre patungo sa Angat Dam sa Bulacan.