Sunday , December 22 2024

QCPD chief, tuloy sa paglilinis sa ‘bakuran’

HINDI naman sigang opisyal ng Philippine National Police (PNP) si Quezon City Police District (QCPD) director Sr. Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, sa halip siya’y mabait na opisyal – madaling lapitan hindi lang ng mediamen kundi maging ng kanyang mga opisyal at tauhan.

Opo, hindi ka mag-aalangang lapitan si Eleazar. Sa madaling salita, isa siyang kaibigan. Madaling kaibiganin o mapalakaibigan.

Pero sa kabila ng imahe ng opisyal, kapag trabaho ang pinag-uusapan ay nagiging ‘siga’ ang mama. Hindi iyong sigang balasubas ha, kundi ang kanya lang naman ay trabaho lalo na sa patuloy na ginagawa niyang paglilinis sa imahe ng QCPD bilang tugon sa mahigpit na kampanya ni Pangulong Duterte sa mga pulis na sangkot sa ilegal na droga.

Batid siguro ninyo, my dear readers, marami nang pinagsisibak na “ninja cops” sa QCPD mula sa kautusan ni PNP chief Director General Ronald “Bato” Dela Rosa. Itinapon ni Bato ang ninja cops sa ARMM.

Tulad ni Dela Rosa, wala rin humpay si Eleazar sa kanyang paglilinis sa QCPD kaya sinundan na uli ni Eleazar ang naumpisahan niyang pagre-relieve sa mga pulis na sangkot sa ilegal na droga.

Matatandaan, nitong nakaraang buwan, may 88 pulis ang ini-relieve ni Eleazar sa kanilang posisyon o unit dahil sa pagkakasangot sa pagre-recycle ng ilegal na droga. Ang mga pinagsisibak ay mula sa Station Anti-Illegal Drugs ng Batasan Police Station 6 at ang buong puwersa ng District Anti-Illegal Drugs (DAID).

Katunayan, isa pang opisyal ng DAID na naging team leader sa mga isinagawang operasyon laban sa droga ay napatay makaraang makipagbarilan sa mga kabaro niya sa isinagawang buy bust operation nang mabukong nagbebenta pala ng droga.

Pero sa kabila pa rin ng mga hakbangin ni Eleazar at babala sa kanyang mga pulis, kung sila man ay sangkot sa droga, mabuti pang sumuko o tumino na, hayun matitigas pa rin ang kanilang ulo. Sige pa rin sila sa maling gawain.

Lamang, hindi naman sila nakalulusot kay DD, sa halip ay kapado sila ni Eleazar sa tulong ng kanyang mga opisyal lalo ng station commanders.

At heto nga, kahapon ay muling ipinadama ni DD ang pangil ng kanyang leadership o kampanya sa paglilinis sa QCPD.

Hindi isa, hindi dalawa, hindi lima o sampu ang panibagong ini-relieve ni Eleazar sa kanilang assignment kung hindi umaabot ito sa 72 pulis.

Wow, ang dami!

Ang lahat ay sangkot sa ilegal na droga? Iyon umano ang info na nakarating kay DD pero, kanya na munang pinaiimbestigahan bilang bahagi ng sinasabing due process at ang sino mang mapatunayan ay kakasuhan ng administratibo na maaaring hahantong sa pagkakatanggal bilang pulis habang ang mga mapatunayang matino ay mananatili sa assignment.

Sa 72 pulis, 69 ang sangkot sa droga at nasa ‘floating status’ muna sila habang iniimbestigahan o itinalaga muna sa District Headquarters Support Unit (DHSU) sa Kampo Karingal.

“Since due process is mandatory for dismissing these personnel, assigning them to menial tasks within QCPD Headquarters in the meantime, is in line with the mandate of our Chief PNP, and directives from our RD, NCRPO, Chief Supt. Oscar Albayalde,” pahayag ni Eleazar.

Nakabibilib talaga ang ama ng pulisya ng QCPD. Trabaho lang talaga ang lahat sa kanya. Ang ginagawa niya kasing paglilinis sa pulisya ay hindi naman para sa kanya kung hindi para rin sa mga pulis. At higit sa lahat para sa mamamayan ng Kyusi.

Sr. Supt. Eleazar, nakabibilib ang inyong hakbangin. ‘Ika nga, umpisahan mo muna ang paglilinis sa inyong bakuran bago ang labas para ika’y paniwalaan at pagkatiwalaan.

AKSYON AGAD – Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *